Minsan ang pagbabalewala sa isang tao ang nagbibigay dahilan kung bakit kailangan niyang umalis sa iyong tabi. Minsan ito din ang nagiging dahilan kung bakit maraming relasyon ang nasisira..
Bakit nga ba nababalewala lang ang isang tao?
Marahil siguro hindi siya interesado sa iyo o kaya’y ayaw lang niya sa iyo. Minsan kasi may mga bagay tayong nagagawa kung bakit sila mismo ang lumalayo sa atin at hindi tayo pinapasin.
Ganito lang siguro talaga ang buhay, ginawa mo na lahat pero hindi pa din sapat para mapansin ka lang niya. Masasabi mang kaTANGAHAN pero wala eh , ginawa mo na lahat kahit alam mong babalewalain ka lang niya kasi nga mahal mo. Siguro nga tama yung kasabihan na HINDI MAGIGING SAPAT ANG SOBRA SA TAONG HINDI KA MAN LANG MAPANSIN.
Masakit isipin na hindi ka man lang niya mapansin pero halos maibigay mo na lahat. May pagkakataon pa nga na maalala ka lang niya hindi dahil gusto ka niya makausap kundi may kailangan lang siya. Masarap makibagay, makisama at magmahal ng isang tao na mapapansin ang totoong ikaw at hindi babalewalain yung mga bagay na ginagawa mo para sa kanya.
Nakakawala ng concentration ang mga ganun bagay dahil lagi mo itinatanong sa sarili mo bakit niya nagagawa yun sa iyo. Minsan pa nga lagi mong dinadown yung sarili mo kasi hindi mo maintindahan bakit ganun, hindi man lang niya marealize na nandyan ka nagaantay lang sa kanya :(
Para sa akin, if ayaw niya then you should let him realize na someday marealize na mahalaga ka para sa kanya. Oo mahirap makipagsiksikan sa mga bagay na hindi ka naman maaring sumuksok. Masyado kasi natin tinutuon ang sarili natin sa isang tao kaya hindi natin nalalaman may mga bagay na din tayong nababalewala na mas importante :(
Tandaan natin palage na every person na dumadating sa buhay natin ay dapat pahalagahan, pakinggan at huwag husgahan. Tao pa din sila na ginawa ng diyos, dumating sila sa buhay natin kasi may purpose sila. Malay natin dumating sila sa buhay natin to realize something important na makakapagbago ng buhay natin. TREAT PEOPLE LIKE AN EVERYDAY BLESSINGS.
#end
-
brizfrea reblogged this from iamsuperwomanbhengay
-
iamsuperwomanbhengay posted this
